2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino (Revisyon ng DECS: Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987)
(Revisyon ng DECS Kautusang Pangkagawaran
Blg. 81. s. 1987)
I. Ang Alfabetong Filipino
Ang alfabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra na ganito ang ayos:
A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ,
NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z
Sa 28-letrang ito ng alfabeto, 20 letra ang nasa dating ABAKADA (A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y), at 8 letra ang dagdag dito (C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z) na galing sa mga umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Ang ngalan ng mga letra. Ang tawag sa mga letra ng alfabetong Filipino ay ayon sa tawag-Ingles maliban sa Ñ (enye) na tawag-Kastila.
A /ey/
B /bi/
C /si/
D /di/
E /i/
F /ef/
G/ji/
H /eych/
I /ay/
J /jey/
K /key/
L /el/
M /em/
N /en/
Ñ /enye/
NG /enji/
O /o/
P /pi/
Q /kyu/
R /ar/
S /es/
T /ti/
U /yu/
V /vi/
W /dobolyu/
X /eks/
Y /way/
Z /zi/
II. Mga Tuntuning Panlahat sa Ispeling o Pagbaybay
A. Ang Pasalitang Pagbaybay
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa Filipino na ang ibig sabihin ay isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkasunud-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pang-agham, atb.
Pasulat - Pabigkas
Salita
boto /bi-o-ti-o/
plano /pi-el-ey-en-o/
Fajardo /kapital ef-ey-jey-ey-ar-di-o/
vinta /vi-ay-en-ti-ey/
jihad /jey-ay-eich-ey-di/
Pantig
it /ay-ti/
kon /key-o-en/
trans /ti-ar-ey-en-es/
pa /pi-ey/
tsart /ti-es-ey-ar-ti/
Akronim
MERALCO (Manila Electric Company)
/em-i-ar-ey-el-si-o/
LEDCO (Language Education Council)
/el-i-di-si-o/
PANDAYLIPI (Pandayan ng Literaturang
Pilipino)
/pi-ey-en-di-ey-way-el-ay-pi-ay/
ARMM (Autonomous Region of Muslim
/ey-ar-em-em/
ASEAN (Association of Southeast Nations)
/ey-es-i-ey-en/
Daglat
Bb. (Binibini) /kapital Bi-bi/
G. (Ginoo) /kapital ji/
Gng. (Ginang) /kapital ji-ay-en-ey-en-ji/
Kgg. (Kagalang-galang) /kapital key-ji-ji/
Dr. (Doktor) /kapital di-ar/
Inisyal ng Tao
MLQ (Manuel Luis Quezon) /em-el-kyu/
CPR (Carlos P. Romulo) /si-pi-ar/
JVP (Jose Villa Panganiban) /jey-vi-pi/
LKS (Lope K. Santos) /el-key-es/
AGA (Alejandro G. Abadilla) /ey-ji-ey/
Inisyal ng Samahan/ Institusyon
KWF (Komisyon sa Wikang Filipino /key-dobolyu-ef/
PSLF (Pambansang Samahan sa Linggwistikang Filipino) /pi-es-el-ef/
KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster Pilipinas) /key-bi-pi/
PLM (Pamantasan ng Lungsod Ng Maynila) /pi-el-em/
MSU (
NGO (Non-Governmental Organization) /en-ji-o/
Simbolong Pang-agham Pang-Matematica
Fe (iron) /ef-i/
H2O (water) /eich-tu-o/
NaCl (sodium) /en-ey-si-el/
lb. (pound) /el-bi/
kg. (kilogram) /key-ji/
v (velocity) /vi/
Ang Pasulat na Pagbaybay
Manatili ang isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra sa pasulat na pagbaybay ng mga salita sa wikang Filipino. Gayon pa man, may tiyak na tuntunin sa pagpapaluwag ng gamit ng walong (8) dagdag na letra
Ang panghihiram
Isang realidad ang pangangailangan ng wikang Filipino na manghiram sa Ingles, Kastila at iba pa pang wika para matugunan ang malawakang pagpasok ng mga bagong kultural na aytem at mga bagong konsepto na dala ng modernisasyon at teknolohiya. Idagdag pa na ang karaniwang Pilipino ay nagpapalit-wika at malayang nanghihiram ng mga salita anumang varayti ng wika ang ginagamit, pasalita man o pasulat.
Pinababagal ng 1987 Patnubay sa Ispeling ang leksikal na elaborasyon ng Filipino. Nililimitahan nito ang panghihiram ng mga salita dahil sa paghihigpit sa paggamit ng walong dagdag na letra (C, F, Ñ, J, Q, V, X at Z) doon lamang sa mga sumusunod:
· Pantanging ngalan
· Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas
· Salitang hindi konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa bigkas na kapag binaybay ayon sa alfabetong Filipino ay hindi mabakas ang orihinal na ispeling nito
· Salitang pang-agham at teknikal
· Simbolong pang-agham
Kung kaya’t napapanahon lamang ang pagrevisa sa mga tuntunin sa ispeling. May mahalagang kraytirya para matamo ang isang efisyenteng sistema ng ispeling:
- kasimplihan at ekonomiya na kaugnay ng isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra, at
- fleksibilidad, ang pagtanggap ng mga linggwistikong pagbabago dahil sa kontak ng mga wika.
Batay rito, pinaluluwag ng nirevisang tuntunin sa ispeling ang paggamit ng walong (8) dagdag na letra sa lahat ng hiram na salita.
Mga Tuntunin sa Panghihiram
Sundin ang mga sumusunod na lapit sa paghanap ng panumbas sa mga hiram na salita:
Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga.
Halimbawa:
Hiram na salita/Filipino
attitude – saloobin
rule – tuntunin
ability – kakayahan
wholesale – pakyawan
west - kanluran
Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng bansa.
Halimbawa:
Hiram na salita/Katutubong Wika
hegemony - gahum (Cebuano)
imagery - haraya (Tagalog)
husband - bana (Hiligaynon)
Muslim priest - imam (Tausug)
Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at iba pang wikang banyaga, at saka baybayin sa Filipino.
Halimbawa:
Kastila/Filipino
cheque – tseke
litro – litro
liquido – likido
educación – edukasyon
quilates – kilatis
Ingles/Filipino
centripetal – sentripetal
commercial – komersyal
advertising – advertayzing
economics – ekonomiks
radical – radikal
Iba pang wika/Filipino
coup d’etat (French) – kudeta
chinelas (Kastila) – tsinelas
kimono (Japanese) – kimono
glasnost (Russian) – glasnost
blitzkrieg (German) – blitskrig
Malinaw ang mga lapit sa panghihiram. Gayong pa man, sa pagpili ng salitang gagamitin isaalang-alang din ang mga sumusunod: (1) kaangkupan ng salita, (2) katiyakan sa kahulugan ng salita, at (3) prestihiyo ng salita.
- Gamitin ang mga letrang C, F, Ñ, J, Q, V, X, Z kapag ang salita ay hiniram nang buo ayon sa mga sumusunod na kondisyon:
Pantanging ngalan
Tao
Quirino
John
Lugar
Canada
Valenzuela City
Gusali
State Condominium
Sasakyan
Qantas Airlines
Doña Monserat
Pangyayari
First Quarter Storm
El Niño
Salitang teknikal o siyentifiko
Halimbawa:
cortex
enzyme
quartz
filament
Marxism
x-ray
zoom
joules
vertigo
infrared
Salitang may natatanging kahulugang kultural
Halimbawa:
cañao (Ifugao) →pagdiriwang
señora (Kastila) →ale
hadji (Maranao) →lalaking Muslim na nakapunta sa
masjid (Maguindanao) →pook dalanginan, moske
vakul (Ivatan) →panakip sa ulo bilang pananggalang sa ulan
at init, yari sa palmera o dahon ng saging
ifun (Ibanag) →pinakamaliit na banak
azan (Tausog) →unang panawagan sa pagdarasal ng mga Muslim
Salitang may iregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog.
Halimbawa:
bouquet
rendezvous
laissez-faire
champagne
plateau
monsieur
Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit.
Halimbawa:
taxi
exit
fax
Gamitin ang mga letrang F, J, V, Z para katawanin ang mga tunog /f/, /j/, /v/, /z/ kapag binaybay sa Filipino ang mga salitang hiram
Halimbawa:
fixer →fikser
subject →sabjek
vertical →vertikal
zipper →ziper
Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X sa mga salitang hiniram nang buo.
Halimbawa:
cornice
cell
reflex
requiem
xenophobia
cataluña
Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong (8) Letra
Letrang C
Panatilihin ang letrang C kung ang salita ay hinihiram sa orihinal na anyo.
calculus
chlorophyll
cellphone
carbohydrates
de facto
corsage
Palitan ang letrang C ng letrang S kung ang tunog ay /s/, at ng letrang K kung ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang C.
c → s
participant →partisipant
central →sentral
census →sensus
circular →sirkular
c → k
magnetic →magnetik
card →kard
cake →keyk
empirical →empirikal
Letrang Q
Panatilihin ang letrang Q kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
quo vadis
quotation
quad
quartz
quantum
opaque
Palitan ang letrang Q ng letrang KW kung ang tunog ay /kw/, at ng letrang K kung ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang Q.
q → kw
quarter →kwarter
sequester →sekwester
equipment →ekwipment
q → k
quorum →korum
quota →kota
querida →kerida
Letrang Ñ
Panatilihin ang letrang Ñ kung ang salita ay hiram sa orihinal na anyo.
La Tondeña
Santo Niño
El Niño
Malacañang
La Niña
coño
Palitan ang Letrang Ñ ng mga letrang NY kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang Ñ.
ñ → ny
piña →pinya
cariñosa →karinyosa
cañon →kanyon
paño →panyo
bañera →banyera
Letrang X
Panatilihin ang letrang X kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
axiom
wax
export
exodus
xylem
praxis
Palitan ang letrang X ng KS kung ang tunog ay /ks/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang X.
x → ks
experimental →exsperimental
taxonomy →taksonomi
texto →teksto
exam →eksam
Letrang F
Gamitin ang letrang F para sa tunog /f/ sa mga hiram na salita.
Tofu (Nihonggo) ‘tokwa’
Futbol
French fries
Fasiliteytor
Lifeguard
Fraterniti
Fuddul (Ibanag) ‘maliit na burol’
Foto
Fokus
Letrang J
Gamitin ang letrang J para sa tunog /j/ sa mga hiram na salita.
jam
juice
majahid (Arabic) ‘tagapagtanggol ng Muslim’
jantu (Tausog) ‘puso’
sabjek
jaket
jornal
objek
bajet
Letrang V
Gamitin ang letrang V para sa tunog /v/ sa mga hiram na salita.
vertebrate
varayti
verbatim
volyum
video
valyu
Letrang Z
Gamitin ang letrang Z para sa tunog /z/ sa mga hiram na salita.
zebra
magazin
zinc
bazaar
zoo
bazuka
Iba Pang Tuntunin
Mga Diptonggo
Ang mga salitang may diptonggo o magkasunod na patinig ay baybayin ayon sa mga sumusunod:
Magkasunod Ilang na Patinig/Halimbawa
- ia - ya
ortografia – ortografya, ortografiya
dialecto – dyalekto, diyalekto
iya
cristiano – kristyano, kristiyano
sentencia – sentensya, sentensiya
- ie - ye
tiempo – tyempo, tiyempo
iye
enmienda – enmyenda, enmiyenda
pie - pye, piye
- io - yo
divorcio – diborsyo, diborsiyo
iyo
exportacion – eksportasyon, eksportasiyon
- ua - wa
guapo – gwapo, guwapo
uwa
aguador – agwador, aguwador
cuarto – kwarto, kuwarto
santuario – santwaryo, santuwaryo
estatua – estatwa, estatuwa
- ue - uwe
cuento – kwento, kuwento
suerte – swerte, suwerte
absuelto – abswelto, absuwelto
- ui - wi
buitre – bwitre, buwitre
uwi
perjuicio – perwisyo, peruwisyo
Mga Digrapo
Ang digrapo ay kombinasyon ng dalawang letrang pinagsama para katawanin ang isa o dalawang tunog. Gamitin ito sa mga sumusunod:
Digrapong Ch
Panatilihin ang digrapong CH kapag ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa:
chopsuey
chips
Chavez
charter
Palitan ang digrapong ito ng CH kung ang tunog ay /ts/ sa hiniram na salita.
Halimbawa:
chalk – tsok
cochero – kutsero
checklist – tseklist
chocolate – tsokolate
channel - tsanel
Digrapong SH
Panatilihin ang digrapong SH kapag ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa:
Shampoo
Sheik
shangri-la
shamrock
Palitan ang digrapong SH ng SY kung ang tunog ay /sy/ sa hiniram na salita.
Halimbawa:
workshop – worksyap
shooting – syuting
censorship – sensorsyip
scholarship – iskolarsyip
Ang NG
Panatilihin ang NG para sa tunog na /ng/ sa dahilang mahalagang ambag ito ng palatunugang Filipino. Ang tunog na ito ay maaaring nasa inisyal, midyal at final na posisyon.
Ngayon
Ngipin
Pangalan
Panginoon
Payong
tanong
Ang Pantig at Palapantigan
Ang Pantig
Ang pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.
Halimbawa:
a-ko
i-i-wan
it-log
sam-bot
mang-ya-ya-ri
ma-a-a-ri
Kayarian ng Pantig
Sa kasalukuyan ay may mga kayarian ng pantig na ambag ng mga lokal na wika at panghihiram.
Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa kayarian nito, ay sa pamamagitan ng paggamit ng simbolong K para sa katinig at P para sa patinig. Narito ang ilang halimbawa ng mga pantig.
Kayarian – Halimbawa
P: u-pa
KP: ma-li
PK: is-da
KPK: han-da
KKP: pri-to
PKK: eks-perto
KKPK: plan-tsa
KKPKK: trans-portasyon
KKPKKK: shorts
Ang Pagpapantig
Ang pagpapantig ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa mga pantig.
Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong
inisyal, midyal at final na salita, ito ay hiwalay na mga patinig.
Salita - Mga Pantig
aalis: a-a-lis
maaga: ma-a-ga
totoo: to-to-o
Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob ng isang salita, maging katutubo o hiram man, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan, at ang pangalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
Salita - Mga Pantig
buksan: buk-san
pinto: pin-to
tuktok: tuk-tok
pantig: pan-tig
sobre: sob-re
kopya: kop-ya
kapre: kap-re
tokwa: tok-wa
Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
Salita - Mga Pantig
eksperimento: eks-pe-ri-men-to
transkripsyon: trans-krip-syon
Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay alinman sa bl, br, dr, pl, tr, ang unang katinig (m o n) ay sa sinusundang patinig ay kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na patinig.
Halimbawa:
Salita - Mga Pantig
asambleya: a-sam-ble-ya
alambre: a-lam-bre
balandra: ba-lan-dra
simple: sim-ple
sentro: sen-tro
kontra: kon-tra
Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawang katinig ay kasama sa patinig ng sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
Salita - Mga Pantig
Ekstradisyon: eks-tra-di-syon
Eksklusibo: eks-klu-si-bo
Ang Pag-uulit ng Pantig
Ang mga sumusunod ang tuntunin sa pag-uulit ng pantig.
Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig, ang patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
a-lis: a-a-lis
i-wan: i-i-wan
am-bon: a-am-bon
eks-tra: e-eks-tra
Ang tuntunin ding ito ang sinusunod kahit may unlapi ang salita.
Halimbawa:
mag-alis: mag-a-a-lis
maiwan: ma-i-i-wan
umambon: u-ma-am-bon
mag-akyat: mag-a-ak-yat
umekstra: u-me-eks-tra
Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP (katinig-patinig), ang katinig at ang kasunod na patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
ba-sa: ba-ba-sa, mag-ba-ba-sa
la-kad: la-la-kad, ni-la-la-kad
tak-bo: ta-tak-bo, nag-ta-tak-bo
lun-dag: lu-lun-dag, mag-lu-lun-dag
nars: mag-na-nars
Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may KK (klaster na katinig) na kayarian, dalawang paraan ang maaaring gamitin.
Batay ito sa kinagawian ng nagsasalita o varyant ng paggamit ng wika sa komunidad.
Inuulit lamang ang unang katinig at patinig.
Halimbawa:
plan-tsa – pa-plan-tsa-hin – mag-pa-plan-tsa
pri-to - pi-pri-tu-hin – mag-pi-pri-to
ku-wen-to – ku-ku-wen-tu-han – mag-ku-ku-wen-to
Inuulit ang klaster na katinig, kasama ang patinig.
Halimbawa:
plan-tsa - pa-plan-tsa-hin – mag-pa-plan-tsa
pri-to – pi-pri-tu-hin – mag-pi-pri-to
kwen-to – ku-ku-wen-tu-han – mag-ku-ku-wen-to
Ang Gamit ng Gitling
Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:
1. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa:
araw-araw
isa-isa
apat-apat
dala-dalawa
sari-sarili
kabi-kabila
masayang-masaya
Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan
Halimbawa:
mag-alis
nag-isa
nag-ulat
pang-ako
mang-uto
pag-alis
may-ari
tag-init
pag-asa
Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa:
pamatay ng insekto - pamatay-insekto
kahoy sa gubat - kahoy-gubat
humgit at kumulang - humigit-kumulang
lakad at takbo - lakad-takbo
bahay na aliwan - bahay-aliwan
dalagang taga bukid - dalagang-bukid
Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito.
Halimbawa:
dalagambukid (isda)
buntunghininga
Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling
Halimbawa:
maka-Diyos
maka-Rizal
maka-Pilipino
pa-Baguio
taga-Luzon
taga-Antique
mag-pal
maka-Johnson
mag-Sprite
mag-Corona
mag-Ford
mag-Japan
Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan
Halimbawa:
mag-Johnson magjo-Johnson
mag-Corona magco-Corona
mag-Ford magfo-Ford
mag-Japan magja-Japan
mag-Zonrox magzo-Zonrox
Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.
Halimbawa:
ika-3 n.h.
ika-10 ng umaga
ika-20 pahina
ika-3 revisyon
ika-9 na buwan
ika-12 kabanata
Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.
Halimbawa:
isang-kapat (1/4)
lima’t dalawang-kalima (5-2/5)
tatlong-kanim (3/6)
Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.
Halimbawa:
Gloria Macapagal-Arroyo
Conchita Ramos-Cruz
Perlita Orosa-Banzon
Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.
Halimbawa:
Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-
gamit ng Filipino.
21 Comments:
H /eych/
O /o/
Hindi ba dapat ay "/eyts/" dahil trankriptsyong Filipino at hindi English? Walang /ch/ sa Filipino. Ito ay /ts/ sa Filipino.
Fe (iron) /ef-i/
H2O (water) /eich-tu-o/
NaCl (sodium) /en-ey-si-el/
Hindi ba dapat:
Fe (iron) /kapital ef-i/
H2O (water) /kapital eyts-sab tu-ow/
NaCl (sodium) /kapital en-sab ey-kapitalsi-el/
To Filipinayzd: Katotohanan e hula ko lang ito, pare: Totoong walang "ch" sa Tagalog ABAKADA pero dahil isa ang letra "c" sa walong idinagdag na letra sa alfabetong Filipino sa 2001 Revisyon, marahil ay pwede na rin ang digraph na "ch", tulad sa "champorado", "kalachuchi". at iba pa.
Alam naman natin na iba-iba ang pagbigkas ng letra "o" depende sa pagkagamit. Munghaki ko'y pakinggan mo ang pagbigkas ng "ow" sa Merriam-Webster Online dictionary kasi doon ang "ow" ay magkatunog sa salitang Ingles na "how" o "now". Kaya ang "o" sa H2O ay katulad sa pagbigkas ng "o" sa "paano".
May katwiran ka sa pagbaybay ng pangalan ng mga periodic elements, tulad ng paggamit ng "kapital" kung upper case (capital) ang letra. Kaya nga lang, pare, e hindi "sab ey" yong kasunod ng "kapital en" sa "NaCl" dahil yong "Na" ay galing sa salitang "Natrium".
Hindi ba sub-A yun? Hehehe.
Yung fonitik transkriptsyon na ginamit kasi ay sa Filipino rin kaya dapat /eyts/ "ts" rin para "ch".
Ang letrang O, ay /ow/ kung bigkasin. Hindi talaga maiistandardayz ang ispeling kung ibabase sa kung ano ang dinig natin. Mas mabuting tingnan na lang sa diksyunari kung papaano ito binibigkas para sigurado.
Sa Kayarian ng Pantig, maidadagdag na kaya ang mga sumusunod?
1) KKKP – SYRUmingk o umurong (damit). Paano kung ididiskrayb ang isang tao na lumiit dahil sa katandaan? Aprowpriet pa kaya ang “lumiit”?
2) KKKPK – SYRED (hindi ko na maungkat ang Tagalog na katumbas nito hehe.)
SYRAPnel o yung mga fragment ng bomba. Laging ginagamit ang salitang ito sa mga balita. Bahagi na ng vokabyulari natin ang syrapnel lalo pa’t uso ang
terorismo!
3) KKKPKK – SYRINK, lumiit o la babo)
SYRIMPbol o bola-bolang hipon?
SYRAYN o kapilya. Laging ginagamit kapag EDSA aniversari. “Punta tayong EDSA syrayn!”
4) PKKK – ORGS o islang ng “mga samahan” lalo na sa mga
(i)skwelahan [?] (KKKP).
ARMD o armado. Tanggap nga ang armado o armada, paano kung
“armd”?
ANGST o poot? Ew! Bahagi na ng vokabyulari ng kabataan ang “angst”.
6) KPKKK – SAWND o tunog
BEYSD o batay
istandarDAYZD, filipiNAYZD, memoRAYZD
7) KPKKKK – SAWNDS "music" o mga awitin. Bahagi ito ng vokabyulari ng kabataan!
Hindi pampakyut ang “s” sa "sawnds".
komPEYRD o kumpara
komPAWND o pangmaramihan?
8) KKPKKKK – BLAYNDS o kurtinang gawa sa istrips?
Copyright www.filipinayzd.i.ph
To Filipinayzd: The answer to your question regarding H /eych/ is in the last chapter of the 2001 Revision: "Panatilihin ang digrapong CH kapag ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo." The revision used the "orihinal" English pronunciation of the letters, so there you go. Examples: "champorado", "chica" "kalachuchi". at iba pa.
Alam naman natin na iba-iba ang pagbigkas ng letra "o" sa Ingles depende sa pagkagamit. Mungkahi ko'y pakinggan mo ang pagbigkas ng "ow" sa Merriam-Webster Online dictionary kasi doon ang "ow" ay magkatunog sa salitang Ingles na "how" o "cow". Kaya ang pagbigkas ng "o" sa H2O ay katulad sa pagbigkas ng "o" sa "paano".
May katwiran ka sa pagbaybay ng pangalan ng mga periodic elements, tulad ng paggamit ng "kapital" kung upper case (capital) ang letra. Kaya nga lang, pare, e hindi "sab ey" yong kasunod ng "kapital en" sa "NaCl" dahil yong "Na" ay galing sa salitang "Natrium".
To Filipinayzd: I believe in the idea that, assuming you are not in the spy business in which you may have to devise some extremely difficult-to-decode codes, the object of writing is to communicate. Therefore, if I were to write something, I would try to do so in a manner that the intended reader is able to understand whatever it is that I write for real communication to take place. Otherwise, I would have failed in my intent.
That's why I was a bit at a disadvantage when I came across some of your examples: SYRUmingk, SYRED, SYRINK, SYRAYN, etc. In the case of SYRED or SYRINK, you got me confused for quite a few seconds and when I'm that confused I tend to gloss over the whole thing and move on quickly--and the intended communication would not have occurred at all.
I'm guessing that both SYRUmingk and SYRINK are from the word "shrink" which could mean a decrease or reduction in size. I probably could have understood "lumiit" or "nag-shrink" on the spot. I'm also guessing that you mean "sink" (not "shrink") for la babo (from the Spanish lavar, to wash). Since you didn't give me any clue on SYRED, well, from the looks of it you probably are trying to corrupt the English word SHRED, right?
To the uninitiated/mischievous eye, SYRAYN could be misconstrued as "sirain" which could be something shouted at an EDSA gathering: "Sirain ang gobyerno ni Gloria!" But association with the word "kapilya", which could mean "chapel", suggests that this one has to be for SHRINE.
Well, now to the katinig-patinig and pantig part. The syllables in Filipino words are easier to recognize relative to the syllables in English words simply because of the "kung ano ang tunog, siya ang baybay" rule. And if you are looking for exceptions to this rule, sure there are and they are mostly for the loaned foreign language words.
I won't lose sleep on this subject because for practical purposes I probably would relegate the importance of the matter to the level of the human-tonsil-or-appendix excuse for being.
ahehe. naunahan mo ako. "sink" - "shrink", what the heck!
Kung hiniram ng buo ang (simplified) English phonetic transcription na "/eych/",
"/aych/" sana ito. (Ang A ay /ay/, E ay /ee/ at I ay /ī/ sa simplified English phonetics)
Sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, 1987, ang H ay "/eyts/".
Tatawagin sa ngalan sa English ang mga letra sa alpabetong Filipino maliban sa Ñ na sa Spanish. Ang O sa simplified English phonetic transcription ay /ō/ o /ow/ sa transkriptsyong Filipino (/o/ kung sa ABAKADA.)
Paano kaya ang pasalitang pagbaybay ng Panganiban, /kapital pi-ey-en-ji-ey-en-ay-bi-ey-en/ o /kapital pi-ey-enji-ey-en-ay-bi-ey-en/?
Dapat rin idagdag sa Letrang X: Palitan ang letrang X ng GZ kung ang tunog ay /gz/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang X.
x --> gz
example - igzampol
exist - igzist
Dapat rin ikategorayz bilang redandant ang letrang S at D:
s --> z
exercise - eksersayz
cosmopolitan - kozmopolitan
ang letrang D:
d --> t
experienced - ikspiryenst
Pati ang mga patinig na A, E, I, O, U
a --> ey (cake - keyk)
e --> i (experiment - iksperiment)
i --> ay (insider - insayder)
o --> a (welcome - welkam)
o --> ow (cooperate - kow-opereyt)
u --> a (survey - sarvey)
u --> uw (introduce - introdyuws)
x --> z
xylophone - zaylofown
g --> zy
genre - zyanra
a --> e
genre - zyara
---
Kung hiniram ng buo ang (simplified) English phonetic transcription na "/eych/",
"/aych/" sana ito. (Ang A ay /ay/, E ay /ee/ at I ay /ī/ sa simplified English phonetics)
Sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, 1987, ang H ay "/eyts/".
Tatawagin sa ngalan sa English ang mga letra sa alpabetong Filipino maliban sa Ñ na sa Spanish. Ang O sa simplified English phonetic transcription ay /ō/ o /ow/ sa transkriptsyong Filipino (/o/ kung sa ABAKADA.)
Typographical error?
sa Letrang C:
canyaw? (kanyaw)
ceremony - seremonya (serimoni)
colonize - kolonays (kolonayz)
community - komyuniti (komyuwniti)
sa Letrang F:
photo - foto (fowtow)
cough - kaf (kof)
sa Letrang J:
soldier - soljer (sowljer)
sa Letrang V:
vacation - vekeyshun (vekeysyon)
value - valyu (valyuw)
sa Letrang Z:
zone - zon (zown)
zoo - zo (zuw)
xylophone - zaylofon (zaylofown)
BINGO!
To Filipinayzd: Between you and me, I would think we could have made excellent contributions to the old "Dolphy and Panchito Show" on the segment wherein one of them said something in English and the other translated it in Tagalog, er Pilipino, or vice versa. Loved that television show, never failed to get me laughing in stitches.
On the serious side, may I suggest we use Merriam-Webster Online (http://www.m-w.com/) as our final arbiter as far as the pronunciation of English words is concerned? It has this red audio icon which when clicked gives you an accurate pronunciation of the English word you enter.
I take it that when a foreign word is corrupted into Filipino, the re-spelling is based on the sound of the loaned word, not its original spelling, following the "kung ano ang tunog, siya ang baybay" rule. And so let's not be hasty in declaring certain letters of the Filipino alphabet as redundant simply because certain foreign words may look remotely related to their original spelling when corrupted into Filipino (and that's why my personal preference is to simply adopt the foreign word in its original spelling to avoid any confusion and the angst of learning and remembering another spelling; don't I have more compelling uses for my finite memory cells which, given the stage of life I'm in, could be threatened, God forbids, by Alzheimer's?)
For example, the word "genre", which is of French origin, has this pronunciation "zhän-r&, 'zhän-; 'zhänr; 'jän-r&" (please check out the audio on the Merriam-Webster site).
You're absolutely right about how the digraph "ng" should be spelled, like in the word Pangilinan, /kapital pi-ey-enji-ay-el-ay-en-ey-en/, or in the word "langgam", /el-ey-enji-ji-ey-em/. But who cares? When you're on the listening end, /enji/ and /en-ji/ sound like they are the same bananas!
I don't know if you have some familiarity with the native Texan drawl or twang. But they tend to pronounce most of their "o", especially their final "o" with the "ow" thing like you do. I could swear you must have lived in the heart of Texas in a previous incarnation.
Keep popping the cannonballs!
Pwede po ba kayong magpost dito ng mga halimbawa ng mga salitang teknikal, syentifiko, salitang may kultural na kahulugan at mga salitng iregular ang ispeling?
Anonymous: Ito ang mga halimbawang kasama sa 2001 Revisyon:
Salitang teknikal o siyentifiko: cortex, enzyme, quartz, filament, Marxism, x-ray, zoom, joules, vertigo, infrared
Salitang may natatanging
kahulugang kultural:
cañao (Ifugao) →pagdiriwang
señora (Kastila) →ale
hadji (Maranao) →lalaking Muslim na nakapunta sa Mecca
masjid (Maguindanao) →pook dalanginan, moske
vakul (Ivatan) →panakip sa ulo bilang pananggalang sa ulan at init, yari sa palmera o dahon ng saging
ifun (Ibanag) →pinakamaliit na banak
azan (Tausog) →unang panawagan sa pagdarasal ng mga Muslim
Salitang may iregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog: bouquet, rendezvous, laissez-faire, champagne, plateau, monsieur
Ang 'coup d'etat' at 'hijack' ay mga salitang iregular at/o may natatanging kahulugang kultural. Walamg katumbas ang mga salitang ito sa Tagalog (na pangunahing batayan ng Filipino) at sa mga Filipinong (mga katutubong) wika sa Filipinas dahil wala ito sa kultura natin(kung kultura man tawag sa mga ito). Pasok (na) sa bokabularyong Filipino ang 'kudeta' at 'haydyak' bagamat ayon sa tuntunin (bago pa man ang Filipino 1989, ginagamit na ang mga salitang ito) hindi katanggap-tanggap ang mga ito.
Sumasalamin ba ito sa kaugaliang Filipino tulad ng 'palusot', 'pwede na' mentality, o kapag nakasanayan na o kapag walang nagrereklamo pinatatawad na?
^
Nagrereflekt sa langwij ang kultura at kaugalian ng mga taong gumagamit nito.
If you observe a person and his language--how he uses it--long enough, you can generalize that his culture may be mirrored from his language.
So, yes, I agree with you there.
And so the word "ginatan" or "guinatan", a staple thing in Bicol, may be categorized under "salitang may natatanging kahulugang kultural" because it also occurs (or was probably borrowed) in Ilocano and Tagalog [among a few I know], or vice versa. "Ginatan" is a word with a cultural flavor indeed, aside from the fact/perception that it really is flavorful! But I think the "cultural" thing about ginatan is the prevailing belief that it enhances longevity. (Long before we knew of the largely beneficial lauric acid occurring in coconut.)
hey, i think i need some help. i'm having a hard time finding the uses of a 'gitling'..
LiMe: Either you are kidding or you simply missed the last topic of this chapter, "Ang Gamit ng Gitling."
,,,WOW!!!!, grabe ang galing-galing ng Filipinaydz magbigay ng comments and questions but I think mas magaling si JOe Padre....kahanga-hanga talaga ang galing niya sa pagsagot sa mga comments ng filipinaydz.....
hmmmmm..what r your comments about this 2001 rebisyon aphabeto at patnubay sa ispeling ng wikang filipino!thankz..i really need it and i have no idea about this!--bhelle--
please?!?i need it now!
Paano po babaybayin ang cañao at champagne? Thank you
Post a Comment
<< Home