Thursday, July 20, 2006

Appendix/Apendise

Dr. Nita P. Buenaobra, Commission Chairman IV, Tagapangulong Komisyoner, Komisyon sa Wikang Filipino

Dr. Rosario E. Maminta, Director ng Proyekto

Teknikal na Komite

Primer:

Tagapangulo: Dr. Rosario Alonzo

Raportyur: Dr. Narciso Matienzo

Mga Miyembro: Dr. Pamela Constantino,Dr. Clemencia Espiritu, Dr. Galileo Zafra

Patnubay sa Ispeling:

Tagapangulo: Dr. Jesus Fer. Ramos

Raportyur: Dr. Teresita Fortunato

Mga Miyembro: Dr. Marietta Reyes-Otero, Dr. Enedina Villegas, Prop. Melanie Donkor, Dr. Fely Castillo

REPUBLICA NG PILIPINAS

Republic of the Philippines

KAGAWARAN NG EDUKASYON, KULTURA AT ISPORTS

Department of Education, Culture and Sports

DECS Complex, Meralco Avenue

Pasig City, Philippines

Tanggapan ng Pangalawang Kalihim

Office of the Undersecretary

Agost 17, 2001

Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, s. 2001

ANG 2001 REVISYON NG ALFABETO AT PATNUBAY SA ISPELING NG WIKANG FILIPINO

Sa: Mga Director ng Kawanihan, Mga Director ng Rehiyon, Mga Superintendent, Superbisor, At Pinuno ng mga Paaralan, Iba pang Kinauukulan

  1. Kaugnay ng itinatadhana ng Konstitusyon ng 1986 hinggil sa patuloy na pagpayabong at pagpayaman ng Filipino bilang wikang pambansa at pampamahalaang wika, at bilang tugon sa mabilis na pagbago, pag-unlad, at paglaganap ng wikang pambansa, ang Komisyon sa Wikang Filipino, sa tulong ng mga dalubwika, manunulat, editor, tagapaglimbag, propesor/guro, at mga kinatawan ng samahang wika, ay nagsagawa ng pagrevisa sa mga alituntunin sa ispeling at primer hinggil sa wikang Filipino.
  2. Kalakip nito ang “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” na binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino.
  3. Simula ngayon ay gagamiting gabay ang “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” sa pagtuturo, pagsulat ng teksbuk at korespondensyang opisyal, at iba pang gawain ng Departamento.
  4. Hinihiling ang pagpaabot ng Kautusang ito sa lalong madaling panahon sa lahat ng mga kinauukulan.

(Sgd.) ISAGANI R. CRUZ, Pangalawang Kalihim

Kalakip: Gaya ng nasasaad

Sanggunian: Kautusang Pangkagawaran: Bld. 81, s. 1987; 14, s. 2001 at Memorandum Pangkagawaran: Blg. 207, s. 2001

Pamumunod: 1-(D.O. 50-97)

Ilagay sa Palagiang Talatuntunan sa ilalim ng mga sumusunod na paksa: CHANGE, LANGUAGE, POLICY

Komisyon sa Wikang Filipino

Lupon ng Sekretaryat

Dr. Rosalina C. Matienzo, Tagapangulo

Pinky Jane S. Tenmatay, Rosie A. Martinez, Ka-Tagapangulo

Miriam C. Palawan, Manuel A. Cusi, Sr., Tomas T. Ocampo, Jr., Enrico B. Reyes, Julio A. Ramos, Kagawad

0 Comments:

Post a Comment

<< Home