Pag-review ng “2001 Revisyon ng Alfabeto” & H.B. 4701
Today is Nov. 6, 2006. I found the following item buried deep in the KWF website:
Pag-review ng “2001 Revisyon ng Alfabeto,” Pinagtibay ng DepEd
Inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006 upang itigil muna ang implementasyon ng “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.” Ito ay ayon na rin sa kahilingan ng Komisyon sa Wikang Filipino bunga ng negatibong feedback mula sa mga guro, estudyante at iba pang mga tagagamit ng wika.
Kaugnay nito, itinagubilin sa lahat na pansamantalang sangguniin ang “1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling” sa paghahanda o pagsulat ng mga kagamitan sa pagtuturo at sa Korespondensiya Opisyal samantalang ang Komisyon sa Wikang Filipino ay nagsasagawa ng pag-review sa “2001 Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling.”
Nakasaad din ang daglian at malawakang pagpapalaganap sa naturang kautusan.
The actual Department of Education order, DO No. 42, s. 2006, dated October 9, 2006, published at the DepEd website, is as follows:
1. Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay kasalukuyang nagsasagawa ng pag-review sa "2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino". Ito ay bunga ng mga negatibong feedback mula sa mga guru, estudyante, magulang at iba pang tagagamit ng wika kaugnay ng nilalaman ng binagong patnubay sa ispeling at ang implementasyon nito.
2. Kaugnay nito, itinatagubilin sa lahat ng kinauukulan na itigil muna ang implementasyon ng nabanggit na revisyon habang nirereview ito at pansamantalang sangguniin ang 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling (Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987) para sa paghahanda o pagsulat ng mga sangguniang kagamitan sa pagtuturo at sa mga korespondensya opisyal.
3. Kalakip nito ang 1987 Patnubay sa Wikang Filipino na binuo ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino.
4. Hinihiling ang daglian at malawakang pagpapalaganap ng Kautusang ito.
[The pdf. file copy of the above order is followed by 16 pages of "ANG ALPABETO AT PATNUBAY SA ISPELING NG WIKANG FILIPINO" which was previously attached to DO #81, s. 1987 dated August 6, 1987.]
I'm not quite sure if this action was influenced in any way by H.B. 4701 which recently passed on third reading. H.B. 4701 makes English the mandatory medium of instruction (MOI) "in all academic subjects in the elementary grades from Grade III to Grade VI and in all levels in the secondary." It's now up for consideration in the Senate.
2 Comments:
Ang ibig sabihin nito, hindi na tatanggapin ang mga salitang "ispeling", "iskul", "titser" atbp. dahil nabuo ang mga ito gamit ang 2001 Revisyon.
KWF, deal or no deal?
Nasa proseso tayo ng intilektsuwalizeysyon. Natyural lang ang mga negativ na fidbak.
Filipinayzd: Ibig sabihin, i-rewrite ang mga aklat na ginagamit sa mga eskwelahan? Malaking sakit ng ulo at gasto din yon, ano...
Do you have to rewrite your thesis as well dahil sa suspended ang implementasyon ng 2001 Revisyon? Maigi nga lang sa word processing, Pare, eh madaling iremedyo yan sa "Find and Replace" na feature ng Microsoft Word. Maari, meron din ganitong feature yong WordPerfect. Good luck!
Post a Comment
<< Home